top of page

Pinakamalaking Butas sa Ozone Layer, Gumagaling Na!

Kinumpirma ng Copernicus Atmosphere Monitoring Service (CAMS) at Copernicus Climate Change Service (C3S) ang unti-unting paggaling ng pinakamalaking butas ng ozone layer sa Arctic.

Ipinaliwanag ng mga siyentipiko na ang P1 million square kilometer na butas ng ozone layer sa Artic ay kasalukuyan nang naghihilom at maging ang butas sa kabuuan ng north pole ay bahadyang gumagaling na din.

Ang ozone layer ay bahagi ng atmosphere ng mundo na siyang nagbibigay proteksyon sa lahat ng may buhay mula sa masamang epekto ng ultra-violet radiation.

Dagdag ng mga siyentipiko ay walang kinalaman ang pagbawas ng polusyon o lockdown dahilan sa kasalukuyang umiiral na COVID-19 sa buong mundo. Sa halip, ito ay dahil sa polar vortex, ang high altitude currents na nagdadala ng malamig na hangin sa mga polar regions.



bottom of page