top of page

Pinakamalaking Quarantine Facility sa Metro Manila, Bubuksan Ngayong Buwan


Photo from BCDA.

Bubuksan na sa katapusan nang buwang ito ang mega quarantine facility sa Metro Manila na kayang tumanggap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients, asymptomatic man o nakakaranas ng mild symptoms.

Matapos ang naging inspeksyon ni National Action Plan (NAP) Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon sa itinatayong pasilidad nitong Lunes ay opisyal niyang inanunsyo ang pagbubukas ng naturang pasilidad sa katapusan ng Agosto.

Matatagpuan sa Parañaque City ang itinatayong 525-bed mega quarantine facility para sa mga pasyente ng COVID-19.

Pinasalamatan naman ni Dizon ang pakikipagtulungan ng Razon Group para sa konstruksyon ng gusali, Meralco at Maynilad dahil sa pagsuporta ng mga ito upang maitayo ng maayos at maibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng pasilidad.

Kabilang ang mega quarantine center sa ilang COVID-19 facilities na itinayo para magbigay serbisyo sa Metro Manila at iba pang karatig probinsya laban sa pagkalat ng sakit sa bansa.

bottom of page