Pinakamalaking Vaccine-Producer sa Mundo, Nakatakdang Gumawa ng Plant-based COVID-19 Vaccine

Kilala ang kompanyang GSK bilang pinakamalawak na taga-produce ng vaccine sa mundo, pero ngayon, makikipagtulungan ito sa Medicago, isang biopharmaceutical company sa Canada upang makagawa ng plant-based COVID-19 vaccine.
Kumpara sa ibang nga kliyente ng GSK gaya ng Sanofi, ang vaccine booster o adjuvant nila ay gagamitin ng Medicago kasama ang tobacco company na Philip Morris upang makagawa ng spike proteins gamit ang mga dahon ng halaman para malabanan ang coronavirus.
Sinabi ng Medicago na inaasahan nilang makagagawa sila na nasa 100 million doses sa unang anim na buwan ng susunod na taon.