Pinalayang Bilanggo Dahil sa COVID Umabot sa Halos 10,000
Iniutos ng Supreme Court ang paglaya ng 9,731 bilanggo sa bansa bilang pag-iwas sa lumalaking bilang ng kumpirmadong coronavirus disease o COVID-positive cases sa mga bilangguan. Ilan sa mga pinalaya ng SC ang mga matatanda, may iniindang sakit, mga hindi makapagbayad ng piyansa, at ang mga preso na may sentensiyang anim na buwan o pababa. Sa panayam kay Associate Supreme Court Justice Mario Victor Leonen, inaamin ng associate SC justice na batid ng korte ang masikip na sitwasyon sa mga kulungan sa Pilipinas. Una ng ipinanawagan ng ilang rights group ang maagang pagpapalaya ng mga bilanggong walang violent offences, mga may karamdaman, at matatanda pagkatapos ng lumalaking bilang ng outbreaks sa city jails.
