Pinas Kulang ng 94,000 Contact Tracers ayon sa WHO Benchmark

Umamin ang Department of Health (DOH) na may mga isyung kinakaharap ang Pilipinas pagdating sa COVID-19 contact tracing matapos sabihin ni World Health Organization (WHO) Acting Representative Dr. Socorro Escalante na mabagal umano ang contact tracing efforts ng bansa.
Ayon kay Health Secretary Maria Rosario Vergeire, kulang ng nasa 94,000 COVID contact tracers ang departamento kung susundan ang benchmark na itinakda ng WHO na isang contact tracer sa bawat 800 na tao.
Sinabi naman ng isang DOH official na sinusubukan ng tugunan ng health department ang kakulangan sa contact tracers, na kasalukuyan ay nasa 38,000 sa pamamagitan ng emergency hiring.