top of page

Pinas, Nangunguna sa COVID-19 Testing Capacity sa South East Asia


Idineklara ng Department of Education (DOH) na ang Pilipinas ang may pinakamataas na COVID-19 testing capacity sa buong SouthEast Asia (SE), na pumapalo sa 28,938 tests kada araw.

Batay sa datos ng Our World in Data, sinabi ng DOH na nakapagsagawa na ang bansa ng 1,643,539 kabuuang COVID-19 tests noong Agosto 4.

Ayon sa ahensiya, lubhang mas mataas ito kaysa sa testing capacity ng Indonesia, na siya ring pumapangalawa sa Pilipinas sa dami ng COVID-19 cases sa SE, na nakapagtala naman ng nasa 14,291 tests kada araw.

Sinabi ng DOH na ang mataas na bilang ng COVID-19 cases ay resulta ng malawakan at mataas na bilang din testing capacity ng bansa.

Pumalo na sa 119,640 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas at nangunguna na ito sa buong SE.

Ikinumpara rin ng DOH ang mas mababang case of fatality rate (CFR) ng Pilipinas na nasa 1.8 porsyento kumpara sa Indonesia na may na 4.7 porsyento.

Ang bansa ay mayroon ngayong 99 lisensyadong COVID-19 testing centers, 75 rito ay RT-PCR laboratories samantalang 24 naman ang GeneXpert laboratories.

bottom of page