top of page

Pinay, Bumida sa Dubai Matapos Magbigay ng Libreng Pagkain at Ayuda


Bumida sa Dubai ang isang pinay na si Feby Cachero Baguisa-Dela Peña matapos mag-alok ng “free food for everyone” at magbigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga kapwa niya migrante na nakatira doon na nawalan ng trabaho bunga ng pandemyang kinakaharap.

Si Feby, tatlumpu’t apat na taong gulang ay labing dalawang taon nang nakatira sa Dubai, kagaya ng ilang migranteng nakatira dito ay nawalan din siya nang trabaho sanhi ng COVID-19 ngunit hindi ito naging hadlang para tulungan niya ang kapwa niya OFW at iba pang residente rito.

Nagigising ng maaga si Feby para ihanda ang mga pagkain sa mga hirap at walang mapagkunan sa mga panahong ito. Niluluto niya ang classic Filipino favorites gaya ng Bicol express at baked goods gaya ng chocolate crinkles.

Sinimulan ni Feby sa 40 at di kalaunan ay umabot na nang 400 food packs ang ibinabahagi niya araw-araw dahil sa mga donasyong natatanggap nito mula sa iba’t ibang organisasyon at tao, kasabay nito ang pamamahagi niya ng mga food supplies gaya ng bigas, itlog at instant noodles sa bawat taong nabibigyan.

Ayon kay Feby, mahirap man sila pero hindi ito rason para hindi tumulong lalo na sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo.

Kamaikailan lamang ay kinilala siya ng Emirates Loto at nagbahagi ng 10,000 meals bilang donasyon sa magandang gawa ni Feby sa mga mamamayan dito.

bottom of page