• Malou Manuel

Pinay, Champion sa JLPGA Tournament


Photo from USGA.com/Steven Gibbons.

Iba talaga ang pinoy; may pusong lumalaban, hindi sumusuko sa anumang laban. Tulad na lamang ng ating kababayan na si FilJapanese Yuka Saso na nakuha ang kampeonato sa Golf ng Japan Ladies Professional Golf Association o JLPGA Tour na ginawa sa Hokkaido, Japan.


Tumataginting na 36M Yen, ang nakuhang premyo katumbas sa Philippine money P16.5M, ng 2018 Asian Games gold medalist.


Hindi naging madali kay Saso ang kanyang pagka panalo dahil matindi rin ang kanyang nakaharap laban kay 2nd place Sakura Koiwai.


Subalit naging mas agresibo si Saso sa kalaban kaya nakuha nito ang titulo. Bago ang pag haharap ni Saso kay Koiwai, nakapagsungkit na rin ng kampeonato ang pinay sa Japan LPGA sa NEC Karuizawa.