Pinay Photographer Hannah Reyes-Morales, Tumanggap ng ICP Infinity Award
Ginawaran ng International Center of Photography Filipina photographer na si Hannah Reyes-Morales ng 2020 Infinity Award for Documentary Practice and Visual Journalism dahil sa makabuluhang trabaho nito sa mga nagdaang taon.
Ilan sa mga tumatak na trabaho ni Reyes-Morales ang pagdokumento nito sa resulta ng Marawi siege, epekto ng drug war ni President Rodrigo Duterte, ang mala-sardinas kalagayan ng mga bilanggo sa Manila City Jail, forced marriages sa Cambodia, at marami pang iba.
Nagtrabaho na ang Filipina photographer kasama ang mga kilalang global kumpaniya tulad ng National Geographic Magazine, The New York Times, and The Washington Post, at Dior.
Tinanggap ni Hannah ang parangal sa isang virtual awards ceremony sa Youtube kung saan pinasalamatan ng Pinay ang kaniyang pamilya, mga kaibigan, reporters, at komunidad na kaniyang nakatrabaho.
Ayon kay Reyes-Morales, ‘di siya makararating sa kung nasaan siya ngayon kung hindi dahil sa mga taong nagpapasok sa kaniya sa kanilang bahay kasama ang kaniyang camera.
