Pinay, Pinangunahan ang Pagbuo ng COVID-19 Mass Testing Tech sa Switzerland

Pinatunayan ni Catharine Aquino-Fournier ang galing ng mga Pilipino nang pangunahan nito ang pagbuo sa HiDRA-seq, isang bago at mas mabilis na pamamaraan ng COVID-19 testing, sa Functional Genomic Center Zurich (FGCZ) sa University of Zurich, Switzerland.
Ayon kay Aquino-Fournier, di katulad ng real-time reverse transcription polymerase chain reaction (rRT-PCR), na kasalukuyang ginagamit sa COVID-19 testing, mas mabilis ang processing time ng HiDRA-seq.
Agad umano na makikita ang strain ng virus sa mutation na mahahanap sa test na isinagawa.
Sinabi rin ng Pinay na dahil sa kakulangan sa materyales na ginagamit sa rRT-PCR tests, sinubukan nilang gumawa ng technique na hindi makaaapekto sa supply nito.
Kinlaro naman ni Aquino-Fournier na mayroon pa ring 10% inaccuracy rate ang HiDRA-seq ngunit patuloy na humihingi ng feedback mula sa eksperto at siyensiya ang kaniyang team. Nagtapos ang Pinay scientist ng bachelor’s degree sa Biology sa University of Los Banos (UPLB) noong 1996 at master’s degree sa Genetics noong 2003.