• Estephany Rivera

Pinay Tennis Player, Kampeyon sa isang International Tennis Tourney sa Spain


Nasungkit ni Pinay Tennis Player Alex Eala ang kampiyonato sa XXXII Circuit Illes Baleats Toni Nadal Heliocare tournament na ginanap sa Mallorca, Spain.

Ito ang unang paligsahan na nilahukan ni Eala simula nang kumalat ang coronavirus pandemic.

Pinatumba ni Eala si Matilda Mutavdzic ng Great Britain sa finale ng nasabing kompetisyon.

Sa isang facebook post, ipinarating ng Pinay ang kaniyang kasiyahan sa pakikilahok sa mga kompetisyon.

Si Eala din ang wagi sa 2020 Australian Open doubles at nakatakdang maglaro sa ITF Grade 2 at Grade 1 tournaments sa Hungary sa Setyembre at French Open na nakatakda dapat sa Oktubre ngunit ipinagpaliban dahil sa pandemiya.


Si Eala ang kasalukuyang hinirang na World Junior Rank No. 4 Tennis player.