top of page

Pinoy COVID-19 Patients, Sasailalim sa Clinical Trial ng Avigan

Inanunsyo ni President Rodrigo Duterte, sa kanyang ulat sa Kamara hinggil sa pagtugon ng administrasyon sa coronavirus disease (COVID-19) krisis sa bansa, na maglalaan ang Department of Health ng P18 million para sa clinical trial ng Avigan, isang antiviral medication, bilang bakuna sa COVID-19.

Ayon sa pangulo, 80 hanggang 100 COVID pasyente ang lalahok sa trial na magaganap sa tatlong (3) lugar na napili ng pamahalaan.

Iniulat din ni Duterte ang pakikibahagi ng 24 Philippine hospitals sa ‘Solidarity Trials’ ng World Health Organization na naglalayong makahanap ng gamot sa respiratory disease na resulta ng coronavirus.

Maghahandog naman ng medicine supply ang Japan sa Pilipinas sa pag-test ng Avigan, isang Japanese-made drug, na nagpakita ng positibong resulta sa paggamot ng mild COVID cases sa China.



bottom of page