top of page

Pinoy Scientists, Aalamin ang Pinagmumulan ng Asin sa Pampanga


Nagtulong-tulong ang mga lokal na scientists mula sa University of the Philippines–Diliman (UP Diliman) at Department of Science and Technology-Philippine Nuclear Research Institute (DOST-PNRI) upang mahanap kung saan nagmumula ang salinity ng groundwater sa Pampanga.

Gamit ang nuclear techniques, hahanapin ng grupo kung ang salinity o salt content ng tubig na makukuha mula sa ilalim ng lupa sa Pampanga ay nanggagaling sa tubig-dagat o iba pang sources.

Inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang importansiya ng groundwater sa lugar na siya raw nagsusupply ng tubig sa mga kabahayan sa probinsiya.

Pamumunuan nina Dr. Sunshine Tan ng UPD Environmental Engineering Program at Dr. Angel Bautista VII ng DOST-PNRI’s Nuclear Analytical Techniques Applications Section ang pag-aaral.

Natuklasan naman sa pag-aaral na ang asin sa tubig ay mula sa brine fossil water sa ilalim ng lupa o mga tubig-alat na natrap ng matagal na panahon.

bottom of page