• Tj Ovivir

Pinoy Short Film, Bumida sa Cannes


Photo from the poster of "Tombstone Pillow"

Gumawa ng pangalan ang isang pelikulang tatak-Pinoy sa katatapos lamang na Cannes Film Festival sa France, sa ilalim ng short film category.

Nauwi ng pelikulang "Tombstone Pillow" ang Best Cinematography sa ilalim ng cinematographer nito na si Mycho David. Gayundin ang Best Screenplay sa pangalan ni Fraser Scott.

Tampok sa pelikula ang istorya ng libo-libong informal settlers sa Manila North Cemetery, na literal na ginagawang unan ang mga puntod, gaya ng pamagat nito.

Pinagbibidahan ito ng mga aktor na sina Ian Ignacio at Lou Baron, isang humanitarian na nagsabing ang pagtanggap niya ng role na ito ay bahagi ng kaniyang philanthropic advocacy upang mabigyang-pansin ang mga nasa nakabababang sektor.