Pintados-inspired na Face Mask, Idinisenyo ng Isang Cebuano

Hango sa Pintados Festival ang malikhaing disenyo na gawang face mask ni Ranrick Diaz, craftsman at thespian ng isang Cebu-based theater group na Karakao Productions kung saan itinatampok niya ang Visayan patterns.
Ani Ranrick, inaabot siya ng ilang buwan para matapos ang lahat ng gawa niyang face masks dahil mabusisi at kinakailangan ang sapat na atensyon sa paggawa nito.
Taong 2018 pa noong mahumaling sa paggawa si Ranrick ng leatherwork ngunit wala pa siyang mga kagamitan noon para makapagsimula kaya naman ginamit niya ang ilang materyal sa loob ng kanilang tahanan upang gawing alternatibong kasangkapan sa kanyang pagsisimula.
Higit na importanteng panlaban sa pandemyang kinakaharap ng bansa ay ang pagsusuot ng face mask bilang proteksyon mula sa nakahahawang sakit, lalo na sa lungsod ng Cebu kung saan matatandaang idineklarang epicenter ng COVID-19 dahil sa biglang paglobo ng kaso rito.