top of page

Batas para sa Pag-urong ng Pagbubukas ng Klase, Pirmado na ni Pangulong Duterte


Photo from pcoo.gov.ph

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11480 na papayagan siyang iusog ang pagbubukas ng klase kapag ang bansa ay nasa ilalim ng state of calamity.

Sa R.A. 11480, kabilang sa sakop ng batas, kung papalitan man ng pangulo ang school opening, ang lahat ng basic education ng paaralan kasama ang mga foreign o International Schools.

Aamiyendahan ng bagong batas ang section 3 ng R.A. 7797 na nagtatakda ng start of the school year sa unang Lunes ng Hunyo hanggang sa huling araw ng Agosto.

Isinumite ang kaukulang Senate Bill No. 1541 ni Senate President Vicente Sotto III at nina Senador Joel Villanueva, Francis Tolentino, Win Gatchalian, Miguel Zubiri, at Cynthia Villars sa Malakanyang noong Hunyo 23.

Matatandaang una ng itinakda ng Department of Education ang pagbubukas ng Klase sa August 24.

bottom of page