top of page

Plano ng PNP na Social Media Monitoring, Umani ng Batikos


Photo from People's Journal.

Kabi-kabilang batikos mula sa mga netizens ang natanggap ng Philippine National Police (PNP) matapos isulong ni Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang plano nitong gamitin ang social media upang mahuli ang mga lumabag sa quarantine protocols.

Ayon sa mga netizens, nilalabag umano nito ang privacy ng mga mamamayan at sinabing dapat muna nilang hulihin ang mga kapulisan na unang lumabag sa mga panuntunan.

Itinuro rin ng mga netizens si Metro Manila police chief Major. Gen. Debold Sinas at ang mga pulis na nagdiwang at lumabag sa social distancing sa kontrobersiyal na mañanitang kumalat sa internet.

Dumepensa naman si Eleazar at sinabing hindi ito lalabag sa privacy ng mga tao kundi magbibigay pa ng lakas ng loob na magreport ng impormasyon at makatutulong sa paghuli ng mga violators.

Idiniin pa ng General na hindi ito aabusuhin at kung mayroon mang pang-aabuso ay agad itong tutugunan ng PNP.

bottom of page