• Malou Manuel

Player, Dating may Brain Tumor, Lalaro na sa Ginebra


Jerrick Balanza with the ball. Photo from Pinky Romero.

Taong 2018, September 6 isang malaking dagok ang dumating sa buhay ng basketbolistang si Jerrick Balanza dating Letran Knights player.

Hindi inaaasahan ang dumapong sakit kanya, sa buong akala ng kanyang pamilya ay katapusan na ng buhay ni Jerrick.

Brain Tumor ang nakitang sakit sa player na kinalugmok ng Letran community noon. Dahil sa malakas ang loob ng basketbolista ay nalagpasan nito ang naging pagsubok na naging hadlang sana ito sa pagtungtong niya sa PBA.

.

Ayon sa 6'3 rookie guard ng Brgy. Ginebra, ang paglalaro niya ay para sa kanyang pamilya upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang dalawang anak na babae at mga magulang.

Naging successful ang operation ni Jerrick noong 2018. Halos anim na buwan rin ang ginawa niyang pamamahinga at sa tulong at awa ng Diyos ay naka survive si Balanza sa kanya sakit.

Masaya ang buong pamilya ni Balanza na nagkaroon ng katuparan ang pangarap nitong makarating sa PBA at sa paboritong team pa na Brgy. Ginebra siya makakapaglaro.

Si Jerrick ay no 13th pick ng Gin king sa PBA draft nung nakaraang taon.

Ayon kay Balanza ay marami siyang natutunan sa mga kasamahan niya sa Ginebra lalo na pagdating sa pamilya.