'PM Sent' o 'PM for the Price' Scheme ng mga online sellers, Ipinagbawal ng DTI

Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) na maaaring mangahuluhan ng profiteering ang pagsisikreto o pagtatago ng mga online seller sa presyo ng kanilang mga produkto at ipinapadala na lamang ito sa direct or private message.
Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo na labag ito sa Republic Act No. 7581 o Price Act na nagsasaad na kapag walang espesipikong price tag ang produkto, may mga probisyon para matawag itong profiteering.
Idiniin naman ni DTI Secretary Ramon Lopez na dapat kagaya ng pagbebenta sa groceries ang online selling, na nakalagay na agad ang malinaw at tamang presyo.
Dagdag pa niya, hindi ito ang panahon upang magsamantala ng mga consumer dahil sa krisis na kinakabarap ng bansa.