top of page

PNP Chief Sinas, Nagpatupad ng Revamp


Photo from NCRPO

Matapos maluklok bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) si Debold Sinas nitong nakaraang mga araw ay nagpatupad ito ng revamp o pagsasagawa ng isang reorganisasyon sa pulisya sa ilalim ng kanyang panunungkulan.


Kapalit ni P/Col. Ysmael Yu ay itinalaga bilang bagong PNP Spokesman si Directorate for Police Community Relations Brig. Gen. Ildrebrandi Usana na naging bahagi ng Philippine National Police Academy (PNPA) class 1988, nagsilbi bilang hepe ng PNP Human Rights Affairs Office sa Camp Crame, at Deputy Regional Director Police Regional Office (PRO) 7 sa Central Visayas.


Gagampanan naman ni Yu ang Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU), at Directorate for Personnel and Records Management (DPRM).


Ang itinalagang mangasiwa noon sa PHAU, DPRM na si Brig. Gen. Benjamin Casuga Acorda Jr. ay gagampanan naman ang inilaang tungkulin sa Intergrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG).


Pumalit sa puwesto ni Acorda si Col. Thoman Rojo Frias Jr. na dating itinalaga bilang National Capital Region Police Officer (NCRPO).


Habang nagpalitan naman ng ginagampanang tungkulin sina Brig. Armando de Leon na itinatalaga sa Human Resource Doctrine and Development, habang si Brig. Gen. Ronald Oliver Lee ang magiging bagong hepe ng PNP-Drug Enforcement Group.

bottom of page