• Estephany Rivera

PNP, Gagamitin bilang Contact Tracers


Ipinahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque ang plano ng gobyerno na gamitin ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) bilang COVID-19 contact tracers.

Sinabi ni Roque na imbes na mag-arkila pa umano ang pamahalaan ng karagdagang

contact tracers, gagayahin nila ang stratehiyang ginamit ng Baguio City at sumasang-

ayon ang PNP sa mungkahing ito.

Kasalukuyang sumasailalim sa contact tracing traning ang kapulisan ng Baguio City.

Ayon pa Department of Health, nangangailangan ng nasa 150,000 ang bansa upang masigurong may epekto ito sa prevention ng pagkalat ng COVID-19.

Nananatili namang positibo si Roque at sinabing possible ito dahil sa pagtaas ng bilang sa daily capacity ng testing.