top of page

PNP Nagpaalala sa Pagpapatupad ng Physical Distancing sa Loob ng Malls

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) kung magpapatuloy ang hindi pagsunod ng mga tao sa implementasyon ng physical distancing rules sa mga pampublikong lugar gaya ng malls ay mapipilitan ang mga ito na isara na lamang ang nasabing establisyimento.

Dinagsa ng mga tao ang iba’t ibang malls na muling nagbukas sa unang araw na malagay ang ilang mga lugar sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) na nagdulot ng hindi pagsunod sa physical distancing.

Nagkaroon din ng matinding pagsisikip na daloy ng trapiko sa EDSA at ilang pangunahing lansangan sa unang pagkakataon matapos ang dalawang buwan na nasa ilalim ng ECQ ang mga lugar na ngayon ay nasa MECQ na.

Kasalukuyan namang inaalam na ng PNP ang ilang malls na lumabag sa protocols.



bottom of page