PNP, Nagtalaga ng 150 SAF Troops sa Cebu City

Itinalaga ng Philippine National Police ang 150 Special Action Force (SAF) sa buong lungsod ng Cebu upang masiguro na mahigpit na nasusunod ang mga quarantine protocols ng gobyerno matapos ang hindi inaasahang pagtaas ng kaso mula sa sakit na COVID-19 sa lugar.
Binubuo ang tropa ng 150 commandos na mayroong armored vehicles kasama ang tatlong senior officials mula sa Integrated Police Operations sa pangangasiwa ng PNP upang bantayan at masiguro ang kaligtasan ng mga residente dito.
Ayon sa Joint Task Force COVID Shield, bagama’t nagtalaga na ang PNP ng mga tropa para sa proteksyon ng mga residente ng Cebu City, makikipagtulungan din ang ahensya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mahigpit na panuntunan ng Enhanced Community Quarantine sa buong lungsod.