top of page

PNP, Susuyurin ang Socmed para sa mga Lumalabag sa Quarantine Protocols


Binalaan ni Joint Task Force (JTF) COVID Shield Chief Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang publiko na babantayan na rin ng Philippine National Police (PNP) ang iba’t-ibang social media platforms upang mahuli ang mga lumalabag sa safety community quarantine protocols.

Aniya, naglabas na raw ito ng kautusan sa mga police commanders na magsagawa ng online patrol upang mahanap ang violators.

Ito’y matapos magsilutang sa social media ang mga litrato ng mga mass gatherings at pagdiriwang na sumasalungat sa quarantine protocols.

Binalaan rin ng JTF Chief ang mga nagpost ng mga inuman sa mga panahong mayroong ban sa kanilang mga lugar.

Ayon pa kay Eleazar, puno raw ang social media ng mga material na pwedng magsilbing ebidensiya na magsasakdal sa mga lumabag.

bottom of page