Police Lt. Gen. Camilo Cascolan, Itinalaga Bilang Bagong PNP Chief

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Police Lt. Gen. Camilo Cascolan bilang bagong Philippine National Police (PNP) chief matapos itong kumpirmahin ng Malacañang nitong Lunes.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, pirmado na ni Pangulong Duterte ang appointment letter ni Cascolan bilang bagong hepe ng PNP.
Gaganap si Cascolan bilang Officer-in-Charge at ika-24 na hepe ng ahensya kapalit ni outgoing PNP chief Gen. Archie Gamboa matapos nitong umabot sa kanyang mandatory retirement kahapon.
Nagsilbi si Cascolan bilang deputy chief for administration ng PNP at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) class of 1986.
Inaasahan namang tatagal ng higit dalawang buwang ang itinalagang pwesto kay Cascolan dahil maaabot na rin nito ang kanyang mandatory retirement sa edad na 56 sa darating na Nobyembre.