top of page

Police Outpost sa Maynila, Ginawang Classroom Area para sa Online Class ng mga Estudyante


Photo from Facebook/Jekki Pascual.

Ginawang classroom area para sa online class ang loob ng container van na police outpost ng Manila Police District Station 7 bilang bahagi ng “Computer on Wheels” na tinatrabahong proyekto ng kanilang distrito at may layong matulungan ang ilang estudyante na walang gagamiting connectivity devices ngayong darating na pasukan.

Mula sa panayam kay Lt. Col. Harry Lorenzo, sinabi nito na higit kakailangin ng mga estudyante ngayong darating na pasukan ang connectivity devices para makapasok sa kanilang mga klase kaya naman nagpursigi ang kanilang distrito upang makapagtatag ng isang proyekto na may layong tulungan ang mga mag-aaral na walang access sa computer.

Dahil sa nakalap na donasyon ng distrito mula sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. na limang laptop, tatlong desktop computer at mga printer ay matagumpay na naitatag ang nasabing pasilidad.

Matatagpuan ang container van sa may Abad Santos Avenue sa Tondo. Bagama’t maliit lamang ang espasyo ng lugar ay tiniyak naman ng pulisya ang kaligtasan at seguridad ng mga estudyateng gagamit ng mga naturang devices.

bottom of page