top of page

Posibleng Paglobo ng Dengue Cases Binabantayan ng DOH

Maliban sa pagtutok sa Covid-19 Pandemic, nakaalerto din ang Department of Health (DOH) sa posibleng paglobo ng kaso ng Dengue sa bansa.

Gayunman, tiniyak ni DOH Undersecretary na hindi makadaragdag ang kaso ng Dengue sa mga ospital dahil mayroon naman aniyang COVID-19 referral hospitals para sa mga pasyente nito.

Bagama’t laganap ang pagkalat ng nakamamatay na COVID-19, inabisuhan naman ng DOH ang mga Local Government Units (LGUs) na tiyaking magpapatuloy ang healthcare system para sa iba pang serbisyo.

Nakapagtala lamang ang DOH ng 815 kabuuang bilang ng kaso ng Dengue noong December 22 hanggang 31 na mas mababa ng 87 percent kumpara sa parehong petsa noong 2018.



bottom of page