'Postal o Mail Voting' Ngayong 2022 Presidential Elections, Isinusulong ng Comelec


Isinusulong ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng 'postal o mail voting' para sa mga seniors at persons with disabilities (PWDs) upang matiyak na maproteksyunan ang kalusugan ng mga ito ngayong 2022 Presidential Elections.


Nais namang palawigin ang pamamaraan ng eleksyon sa mga domestic voters partikular na ang mga may espesiyal na kondisyon lalo na at inaasahan na magtatagal ang banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa dahil nagagamit naman na ang mga naturang paraan overseas, Ani Comelec spokesperson James Jimenez.


Samantala, kasalukuyang pinag-aaralan ng ahensya ang pagsasagawa ng 'online voting' para sa mga botanteng mayroong access sa internet.