President Trump, Nagbantang Aalis ang US sa World Health Organization
Nagbabala si US President Donald Trump sa World Health Organization (WHO) na aalis ang United States (US) dito matapos niyang akusahan ang organisasyon na hindi nito ginagampanan ang tungkulin para labanan ang corona virus disease (COVID-19) sa America.
Inakusahan din ni Trump na pinagtakpan ng WHO ang China matapos kumalat ang COVID-19 sa central region nito.
Naitala sa US ang pinakamataas na bilang ng COVID-19 positive at fatalities kaya't sinisisi di-umano ni Trump ang WHO sa pagiging pabaya nito.
Samantala, pinabulaanan naman ni China President Xi Jinping ang mga alegasyon ni Trump sa World Health Assembly at sinabing naging transparent ang China simula pa lamang noon una.
