Presidential Yacht, Ginamit Bilang Floating Quarantine Facility para sa mga Military Frontliners

Ginamit ang BRP Ang Pangulo, Presidential Yacht bilang floating quarantine facility para sa mga sundalo ng Philippine Navy (PN) na pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Lieutenant Commander Maria Christina Roxas, mayroong 93 military frontliners ang ginagamot sa naturang quarantine facility, ang karamihan ay ganap nang gumaling mula sa sakit at ang iba’y kasalukuyang nasa isolation wards parin ng Presidential yacht.
Siniguro naman ni Vice Admiral Giovanni Bacordo, PN Flag Officer in Command na patuloy silang tatanggap at magbibigay serbisyo sa mga sundalong infected ng sakit.
Sa katunayan, mayroong 28-bed maximum capacity ang pasilidad at 17 na pasyente na lamang ang nananatiling nakabukod para gamutin.
Nitong April 3, inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pansamanatalang gawing
isolation facility ang kanyang Presidential yacht para gamutin ang sundalong nagpositibo sa nakahahawang sakit.