top of page

PRISAA National Games, sa 2022 na Gaganapin


Photo for illustration purposes only.

Dahil sa COVID-19 pandemic apektado ang maraming aktibidad, kasama na dito ang palakasan.


Hindi muna magsisimula ang Private Schools Athletic Association (PRISAA) National Games ngayong taon at maging sa 2021. Itinakda ito sa 2022 subalit wala pang sinaad kung saang lalawigan gagawin.

Nakatakdang magkaroon ng pulong ang National Executive Board na pangungunahan ni National Executive Director Professor Elbert ‘Bong’ Atilano para talakayin ang magiging venue.


“The executive board will study the next venue,” sabi Atilano, na Vice president ng Weightlifting Association of the Philippines.


Tinatampukan ng 400 Atleta mula sa private Colleges at Universities sa bansa at dito kumukuha ng mga mahuhusay na Atleta. Katunayan ay sa PRISAA National Games natuklasan si Brazil silver medalist Hidilyn Diaz.


Suportado ang PRISAA ni Philippine Sports Commission (PSC) Butch Ramirez.


“Member schools met and unanimously agreed to suspend the event for two years and hold the competition in 2022. We have no choice but to cancel the event primarily to save the lives of the athletes,” dagdag pa ni Atilano.

Noong nakaraang taon ang huling laro ng PRISAA na ginawa sa Davao, pagtapos ng Palarong Pambansa sa parehong lugar bago ganapin ang SEA GAMES 2019.


May mahigit na 30, iba't ibang klaseng sports ang gagawin kasama na dito ang swimming at weightlifting.

bottom of page