top of page

Programa Para sa mga Kababaihan sa Agrikultura, Binabalangkas ng DA


Contributed Photo.

Handa nang ilunsad ng Department of Agriculture (DA) ang isang programa na layunin na tulungan ang mga kababaihan sa sektor ng agrikultura na apektado ng COVID-19 pandemic ang kabuhayan.

Ang Financial Assistance for Women in Agriculture and Fisheries program o ‘AgriPinay’ ay isang credit program na magpapautang sa mga babaeng magsasaka, mangingisda at negosyante na makabangon mula sa pandemiya.

Ayon kay Agricultural credit Policy Council Director Jocelyn Bandiola, likhang magaling na financial managers umano ang mga kababaihan at ‘outstanding’ ang repayment rates ng mga kasalukuyang borrower’s ng ahensiya na babaeng farmers at negosyante.

Dagdag pa ni Bandiola na nasa consultation phase sa women’s groups na umano ang proyekto at ilulunsad bago ang ika-15 ng Setyembre.

bottom of page