top of page

Programmer sa Tarlac na Nagseserbisyo ng Libre, Nakatanggap ng mga Donasyon


Photo from Facebook.com/kram.perez06.

Bumuhos ang donasyon para kay Mark Anthony Perez, isang programmer at computer-technician sa Tarlac, matapos magviral ang kaniyang istorya.

Nagsasaayos ang 22-anyos ng mga sirang computer at laptop ng walang bayad.

Isang computer mula sa Maynila ang nagbahagi ng 49 defective laptops kay Perez,

kasama pa ng 43 piraso ng 2-gigabyte (GB) random-access memory (RAM), apat na

piraso ng 4-GB RAM, at walong piraso ng 8-GB RAM.

Marami namang sumali sa kampaniya ni Perez na pagsasaayos ng mga computer at

laptop ng libre para sa online learning ng mga estudyante.

Ngayon ay 10 na ang mga kaakibat ni Perez sa kanilang libreng repair services mula sa Tarlac City, Sta. Ignacia Town, Pampanga, at Antipolo Rizal.

Sinabi ni Perez na mas marami pa silang matutulungan at mas maipaaabot pa ng

kaniyang adikahin sa mas malalayo pang lugar sa bansa.

bottom of page