top of page

Proteksiyon sa Karapatang Pantao, Kailangang Paigtingin sa Pilipinas, ayon sa UN


Ipinahayag ng mga opisyal ng Office of the High Commissioner for Human Rights (OHCHR) na kinakailangan nang bigyang-pansin o makialam ng United Nations (UN) sa malawakang pagsuporta sa Pilipinas na may kaugnayan sa pagpapanatili ng karapatang pantao.

Dadag pa ng OHRCHR ng UN, ipinakikita ng kanilang pagsusuri na nalalabag ng husto ang karapatang pantao sa panahon ng mga community quarantine, pangunahin na ng pulisya at militar.

Ayon sa pag-aaral ng mga UN experts, nabigo ang bansa na proteksiyonan ang napakaraming buhay na nasawi.

Sa pamamagitan ng Human Rights Council na ipinapayo ng OHRCHR, mas mapoproteksiyonan di umano ang human rights sa bansa sa pamamagitan ng monitoring, investigation at examination ng International Criminal Court.

Samantala, sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isasaalang-alang ng Malacañang ang mga ito, ngunit hindi nila ito sinasang-ayunan.

bottom of page