Provincial Government ng Ilocos Sur, Handa na sa Pagbubukas ng Turismo


Calle Crisologo.

Tiyak na handa na ang provincial government ng Ilocos Sur sa nalalapit nitong pagbubukas ng turismo at pagtanggap ng mga turista sa kanilang probinsya matapos itong kumpirmahin ni Ilocos Sur Provincial Board Member, at Tourism Committee Chairman Gina Cordero.

Ayon sa pahayag ni Cordero, kinakailangan makumpleto ang hinihinging requirements ng kanilang lokal na pamahalan para makapagpapasok ng mga turista sa probinsya gaya ng antigen test, travel pass at mayroong katibayan na nakapagpa-book sa isang travel agency.

Limitado lamang ang tatanggaping turista na aabot lamang hanggang 50 kada araw at inaasahan na muling babangon ang turismo nito sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa gawa ng pandemyang kasalukuyang lumalaganap.