top of page

PSC, Aprubado na ang Budget ni Yulo para sa Olympics 2021


Inaprubahan na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pondong P3.2-M para magamit ni 2020 Tokyo Olympics-bound Carlos “Caloy” Yulo ng gymnastics na target ang kauna-unahang gintong medalya sa prestihiyosong Summer Games.

Ang hiling na budget ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) newly elected President Cynthia Carrion-Norton sa gastusin ay paghahanda ng 49th Artistic Gymnastics World Champions sa Summer Games na gaganapin sa 2021.

Sinabi ng gymnastics official na nagpasa siya ng kabuuang P4-M sa ahensya ng pampalakasan, ngunit hindi niya nakuha ang eksaktong pondo gayunpaman, kinumpirma nitong naaprubahan na ang pondo.

“I ask for 4M, but the board resolution only approves about 3 million. However, we’re not receiving it yet and I wish that I could get the money as soon as possible,” pahayag ni Carrion-Norton.

Subalit hindi umano inayunan ng PSC ang hiling na ito ni Carrion-Norton dahil mayroon na itong natanggap na financial aid mula sa MVP Sports Foundation na nagkakahalaga ng P800,000.00 na ipinadala mula sa GAP.

Sa kabilang banda ay patuloy na hinihiling ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez sa Kongreso na mabawi ang nawalang pondo matapos ilagay ito sa Bayanihan Act I at kunin ang P596 million sa National Sports Development Fund at P773 million General Appropriations Act (GAA) bilang pagtulong sa coronavirus disease pandemic.

“Right now coach Mune [Munehiro Kugeyama] gave me another budget of P6-million, it became 6M ang dami-dami na. That’s the work for this Olympic gold medal. But we’ll find more way,” saad ng gymnastics official.

bottom of page