PSC, Magbabahagi ng 500 Laptops sa mga Ahensya ng Gobyerno


Nakahandang magbahagi ang Philippine Sports Commission (PSC) ng tinatayang 500 laptops para sa mga ahensya ng gobyerno na higit na kakailanganin ang mga ito ngayong kinakaharap ng bansa ang pandemya.

Ayon kay PSC chief of staff at national training director Marc Velasco, mapupunta ang 300 piraso ng laptop sa Presidential Management Staff sa pamamagitan ni Assistant Secretary Joseph Encabo, ilalaan naman ang 100 para sa technical working group ng pamahalaan sa ilalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pamamagitan ni Deputy Chief Implementer Vince Dizon at ang iba ay ipamamahagi sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program (BP2) ni Senator Bong Go.

Ani Velasco, nagmula sa naganap na Southeast Asian Games noong nakaraang taon ang mga naturang laptop at masasayang lamang aniya ang mga ito kung hindi gagamitin.