PTA, Naghahanda Para sa Olympic Qualifying Next Year

Pagiging isang matatag, at disiplinado ang Nagkakaisang Samahan ng Taekwondo sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 pandemic.
Sa kabila ng sitwasyon ng buong mundo sa dahil sa pandemaya, tuloy ang pag-inog ng Philippine Taekwondo Association (PTA), sa pangangsiwa ni Grand Master Sung Chon Hong, upang mapanatili ang paghahanda ng ating mga atleta.
Nakatuon ang pansin nila na makapag sungkit sa Olympic meet slots sa qualifying sa susunod na taon.
“Just like any other sports, we try to use the internet for virtual tournament and online training to keep our athletes and coaches physically and mentally ready,” pahayag ni Stephen Fernandez, head ng PTA regional affairs, sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports via zoom kahapon na naka livestreaming sa Youtube at Facebook.
Nalulungkot si Fernandez dahil isang malaking dagok ito sa paghahanda ng mga atleta na sasabak sa qualifying meet ng Tokyo Olympics subalit ang katatagan ang pag-asa para makaagapay.
Sinabi ni Fernandez, ang mga coaches, trainer at iba pang may kinalaman sa taekwondo community ay naapektuhan sa pandemic. Ngunit naiparating naman ng PTA ang nararapat na ayuda sa kanilang mga regional personnel.
“Bagamat hindi naman malaking halaga, kahit papaano ay naabutan nami sila ng tulong,” sambit din ng sports director ng College of St. Benilde sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at PAGCOR.
Sa ngayon, tinitignan ng PTA ang posibilidad na makilahok sa Speed Kicking Championship upang mapanatiling handa ang mga atleta, kabilang na ang walong SEA Games medalist na isasabak din sa Olympic qualifying sa susunod na taon.
Itoy ay sa pangunguna nina veteran Pauline Lopez at youthful Kurt Barbosa ng National Team.
Nakatakda sanang sumabak sa Wuxi 2019 Taekwondo Grand Slam Championship Series nung nakaraang Abril.
Kaya wala munang sparring, virtual tournament na ginagawa ng komunidad ng taekwondo. "It’s only speed kicking championship, pag testing ng pag-uugali at disiplina ng atleta," ani Fernandez, na two-time Olympian.