PUV Operators, Makakatanggap ng Subsidy mula sa Gobyerno

Makakatanggap ng karagdaragang subsidiya ang mga operators ng public utility vehicles (PUVs) mula sa gobyerno.
Ayon kay LTFRB Chair Martin Delgra III, kasalukuyang gumagawa ng hakbang ang ahensya ng Department of Trasportation (DOTr) upang tulungang makabangon muli ang mga operators ng PUVs.
Isa sa mga pokus ngayon ng DOTr ay ang cash assistance para sa mga PUVs operators partikular na ang fuel subsidy.
Matapos payagan ang mga PUVs na magbalik arangkada sa kalsada matapos ang tatlong buwang tigil operasyon dahil sa pandemya ay higit na mas mahirap ang sitwasyon ng mga operators sa panahon ngayon dahil mas kakaunti na lamang ang pwede nilang isakay upang masunod ang panuntunan sa kalusugan at kaligtasan ng mga pasahero kontra COVID-19.
Samantala, pinagplaplanuhan naman ng LTFRB na ibalik na ang operasyon ng mga traditional jeepneys ngayong Huwebes o Biyernes sa buong Metro Manila.