top of page

QC, Magbubukas ng Sariling COVID-19 Molecular Laboratory


Handa nang buksan ng Quezon City Government ang kanilang sariling molecular laboratory na kayang magproseso hanggang isang libong coronavirus disease 2019 (COVID-19) test samples kada araw.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte, ang pabubukas ng COVID-19 laboratory sa kanyang nasasakupan ay isa sa higit na epektibong hakbang upang masugpo ang pagkalat ng sakit sa naturang lungsod.

Kasalukuyang hinihintay ng lokal na pamahalaan ang accreditation mula sa Department of Health (DOH) upang makapagsimula na ito sa operasyon ng pasilidad.

Lubos namang pinasalamatan ng alkalde ang ilang pribadong sektor na tumulong sa lungsod upang maisakatuparan ang proyekto.

Ikinokonsidera naman ni Joseph Juico, COVID-19 task force head, na isang long-term valuable investment ang laboratoryo sa lungsod dahil maliban sa COVID-19 ay maaring magamit ang pasilidad sa pagsusuri ng ilang infectious diseases, at sa iba pang pag-aaral.

bottom of page