QCPL, Mayroong Libreng Japanese Class Online


May alok ang Quezon City Public Library (QCPL) para sa mga may nais mapakinabangan ang pag-aaral ng free basic Japanese language sa pamamagitan ng app online na gaganapin tuwing Huwebes simula ngayong September 3.

Batay sa anunsyo ng QCPL sa kanilang social media account, matagumpay na naisakatuparan ang proyekto dahil sa pakikipagtulungan ng Jellyfish Education Philippines sa kanilang lungsod.

Ang libreng language class na hatid ng QCPL ay isasagawa sa pamamagitan ng Zoom application na tatagal lamang mula alas-4 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi tuwing Huwebes at makakatanggap ng digital certificate sakaling matapos ang naturang kurso.

Kinakailangan lamang ang sapat na connectivity devices gaya ng smartphones o laptop/desktop at maayos na internet connection para sa magandang daloy ng klase.

Hinihikayat naman ang publiko na magsumite lamang ng aplikasyon via Google link na matatagpuan sa kanilang Facebook page para sa mga interesado lumahok sa programa.