top of page

Quarantine Pass Hindi na Kailangan sa Ilalim ng GCQ


Photo is for illustration purposes only.

Inanunsyo ng Department of Interior and Local Government Unit (DILG) na hindi na kakailanganin pa ang paggamit ng quarantine pass sa ilalim ng mas pinaluwag na general community quarantine sa ibang parte ng bansa.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi na kailangan pa ng quarantine pass para payagan ang mga taong lumabas ng kanilang mga tahanan ngunit hindi ibig sabihin nito ay ‘unlimited’ na aniya ang paglabas dahil mas paiigtingin pa ng mga LGUs ang curfew hours.

Panawagan naman ng Malacañang na mahigpit parin dapat obserbahan ng publiko ang pagsunod sa health protocol ng gobyerno gaya ng pagsusuot ng face masks, pagsunod sa social distancing at pag-iwas sa matataong lugar ngunit mas makabubuti parin kung manatili na lamang sa loob ng bahay kung hindi naman kinakailangang lumabas.

Gayunpaman, mas magiging mahigpit ang panuntunan ng LGUs sa quarantine pass sa mga lugar na tinatawag na “critical zones” at “buffer zones” kung saan mataas parin ang panganib ng pagkalat ng sakit.

bottom of page