Quarantine Passes, Kailangan parin sa Cebu City Kahit pa Ito’y nasa Ilalim na ng GCQ

Bagama’t inilagay na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang Cebu City sa ilalim ng General community quarantine (GCQ) ay kakailanganin parin ang gamit ng quarantine passes sa buong lungsod.
Inihayag ni Cebu City Mayor Edgardo Labella, na mananatili ang paggamit ng quarantine passes sa paglabas ng mga residente rito upang maiwasan ang kumpulan sa mga matataong lugar at masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
Gaya ng ibang quarantine pass, tatlong beses lamang sa isang linggo maaring lumabas ang isang residente upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan.
Magtatagal ang naturang polisiya hangga’t hindi nakikita ng city government ang disiplina at mahigpit na pagsunod sa minimum health protocols ng gobyerno ng mga Cebuanos.