Quarantine Passes, Suspendido sa Cebu City

Sinuspinde ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga quarantine pass sa buong lungsod ng Cebu matapos ang hindi inaasahang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.
Sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon ng Cebu City ay isinailalim ni DILG Secretary Eduardo Año ang buong lungsod sa mahigpit na restriksyon ng lockdown.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, mas mainam kung ipapataw ang mahigpit na restriksyon ng community quarantine o hard lockdown sa mga naturang barangay na may malaking kaso ng coronavirus disease 2019.
Nasa ilalim parin ng enhanced community quarantine ang buong lungsod ng Cebu at mas lalong nadagdagan ang mga police officers na nagbabantay sa lugar upang masiguro na nasusunod ang mahigpit na hakbang ng gobyerno sa pagsugpo sa nakakahahawang sakit.