top of page

Quezon City, Gagamit ng Artificial Intelligence o ‘AI’ para sa Contact Tracing



Quezon City Hall

Sa inilunsad na BANTAI COVID project ng Quezon City, layunin ng proyekto na abutin at subaybayan ang mga taong na-expose sa mga pasyenteng mayroong COVID-19 gamit ang isang centralized databased repository kung saan nakapaloob ang impormasyon at data ng isang pasyente na accessible sa lahat ng health workers anumang oras.

Ayon sa local government ng Quezon City, ang proyekto ay isang karagdagan sa pagpapabuti ng kanilang healthcare services na hindi na kakailanganin pa ang pisikal na pakikitungo ng mga health workers sa pasyente gamit ang pinakabagong teknolohiyang ‘telemedicine’.

Ani Quezon City Mayor Joy Belmonte, napapanahon ang proyekto at mabisang paraan upang mas mapangalagaan at maproteksyunan ang mga heath workers ng lungsod mula sa mapanganib na pagkalat ng sakit.

bottom of page