top of page

Quiapo Church, Naka-lockdown Matapos Magpositibo sa COVID ang Isang Pari


Quiapo Basilica, Manila.

Isinailalim sa lockdown ang buong Quiapo Church sa Manila pagkatapos mapositibo sa COVID-19 rapid at swab test ang isang visiting priest na nanatili sa Quiapo bago ito umuwi sa Mindanao.

Binigyang-diin ni Quiapo Church Parochial Vicar Fr. Douglas Badong na nagnegatibo umano ang pari sa rapid test noong June 10 bago ito bumiyahe pauwing Mindanao noong June 13.

Ayon pa kay Badong, agad na isinara ang simbahan at isinailalim ang mga ng pari at staff sa 14-day quarantine matapos malaman ang balitang nagpositibo raw ang pari noong June 19.

Nasa 80 na pari at staff ang negatibo sa rapid tests na isinagawa noong June 25.

Suspendido naman ang ang relief-giving activities ng Quiapo Church habang ito’y nasa lockdown.

Siniguro ni Badong na sumusunod ang mga deboto ng simbahan sa health protocols at pinaalala rito na sundin rin ang physical distancing.

bottom of page