top of page

Quiapo Church, Pwede ng Tumanggap ng 100 Tao sa Misa


Isang-daang tao na ang makakadalo ng Holy Mass sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo, Manila simula July 10, Lunes.

Ito’y pagkatapos pahintulutan ng Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga simbahan sa ilalim ng General community quarantine (GCQ) na magsagawa ng religious services ng may 10 percent capacity.

Ayon kay Quiapo Church Rector Monsignor Hernando “Ding” Coronel, mula sa 1,000 seats sa loob ng simbahan, nasa 100 ang mapapapasok, malayo mula sa 10 tao na pinapayagan sa kasalukuyan.

Sinabi din ni Coronel na cooperative umano ang mga deboto sa ‘dry-run’ na isinagawa ng simbahan para sa July 10.

Kakabukas lamang ng Quiapo church noong July 3 pagkatapos nitong sumailalim sa lockdown sa loob ng dalawang linggo.

bottom of page