top of page

Region 6 BFP Head, Sinibak sa Pwesto Matapos Lumabag ng Isang BFP Personnel sa Quarantine Protocol


Photo from Public Information Section, BFP 6

Inutos ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang pagkasisante ni Bureau of Fire Protection (BFP) Region 6 Director Fire Senior Supt. Roderick Aguto pagkatapos lumabag ang isang fire officer sa quarantine protocol ng Boracay Island.

Batay sa ulat ng DILG, naglibot sa Boracay ang tauhan kahit na hindi pa lumalabas ang resulta ng kaniyang COVID-19 PCR (polymerise chain reaction) test, na kalaunan ay nagpositibo.

Idiniin ni Año na hindi papayagan ng ahensiya ang ano mang pagkakamali ng kahit sinong BFP o DILG personnel lalo pa’t buhay ang nakataya.

Dagdag pa ni Año na hindi katanggap-tanggap ang kahit ano mang pagpapabaya ng mga public safety officers lalo na sa panahon ng pandemiya at binigyang-diin ang hirap ng contact tracing.

Iniatas naman ni DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya kay BFP Chief Jose Embang ang agarang imbestigasyon ukol sa pangyayari.

Itinalaga naman ni Año si of BFP-National Headquarters (NHQ) Director for Logistics Fire Senior Supt. Jerry D. Candido bilang officer-in-charge (OIC) ng ahensiya.

Isinailalim naman ang BFP-6 Regional Office, at ang lahat ng provincial offices at fire stations nito, sa lockdown para sa disinfection habang 196 BFP-6 personnel naman ang sumailalim sa rapid tests.

bottom of page