• Cathy G

Religious Activities at Work Gathering Bawal Parin

Binawi ng Malakanyang ang nauna nitong pahayag na papayagan na ang mga religious activities at work gathering sa ilalim ng General Community Quarantine kaugnay ng Covid-19 pandemic.


Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagbabago ng guidelines ay alinsunod sa naging tugon ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan na imposibleng maipatupad ang social distancing sa mga pagtitipin kapag pinayagan ito.


Ayon pa kay Roque, Pabor din naman ang mga religious leaders sa ginagawang pagbawi para narin sa kaligtasan ng lahat.


Matatandaang kahapon lang ay inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na papayagan na ng IATF ang pagsamba at ilang essential work activities na nasa ilalim ng GCQ.