Remote Enrollment, Sinimulan na ng DepEd

Sa ilalim ng Department of Education (DepEd) Order No. 008, sinimulan na ngayong araw, June 1, ang virtual enrollment ng mga K-12 students sa buong bansa.
Sa loob ng dalawang linggo, papayagan lamang mag-enroll ang mga estudyante sa pamamagitan ng online enrollment forms at text messaging.
Hindi pa maaaring magtungo sa eskwelahan ang mga estudyante hanggang sa third week of June, 'yon ay kung papayagan ng lokal na pamahalaan ang mga paaralan na magsagawa na ng face-to-face enrollment.
Isinaad ni DepEd Secretary Leonor Briones na hangga't maaari, sisiguraduhin ng kagawaran na hindi magkaroon ng physical appearance ang mga bata at mag-aaral sa mga paaaralan.
Ilan sa mga eskwelahan naman ay inatasan ang mga class advisers na contact-in ang kanilang mga estudyante at asikasuhin ang kanilang enrollment forms.